Katotohanan, nanaig sa pagdedesisyon ng PET – Robredo

“Truth has prevailed”

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo matapos ang unanimous na desisyon ng Supreme Court na nagbabasura sa poll protest ni dating Senator Bongbong Marcos.

Ayon kay Robredo, naitaguyod ang tunay na pasya noong 2016 matapos magdesisyon ang SC na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal.


Aniya, sa simula pa lamang ay lagi na niyang sinasabi na ang katotohanan ang mananaig sa dulo.

Bamaga’t hindi nakaapekto ang poll protest sa kaniyang trabaho, Sinabi ni Robredo na mas matututukan na nito ang iba pang mahahalagang trabaho lalo na’t nahaharap ang bansa sa pandemya.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si Robredo sa PET gayundin sa kaniyang mga taga-suporta at nagtiwala sa kaniya.

Una nang natalo ni Robredo si Marcos ng 263,473 votes noong 2016 polls at nadagdagan pa ito ng 15,000 boto matapos ang ginawang manual recount sa mga tatlong probinsya na pinili ni Marcos na umano’y may dayaan na nangyari.

Facebook Comments