Nagsagawa ang tropa ng 25th Infantry (Fireball) Battalion ng Katropa Mobile Learning Project sa Piasusuan Elementary School sa Brgy. Napnapan, Pantukan, Davao de Oro noong isang linggo.
Layon nitong makapagbigay ng saya at inspirasyon sa lahat ng mga guro at estudyante sa nasabing paaralan.
Sinabi naman ni Eugene Nacion, head teacher ng Piasusuan Elementary School na ngayon lamang niya nasaksihan ang pagtuturo ng mga sundalo sa mga estudyante.
Kadalasan kasi aniyang mga baril ang hawak ng militar pero sa nasabing aktibidad, mga libro at iba’t ibang learning materials ang hawak ng mga sundalo kung saan nagbigay pa sila ng entertainment sa mga bata.
Ginawa ring silid-aralan ang isa sa military trucks ng 25IB kung saan dinesenyuhan pa ito ng educational materials.
Nabatid na sa mahabang panahon, idineklara ang Sitio Piasusuan bilang war zone kung saan nagkaroon ng stigma ang mga bata sa men in uniform kung kaya’t inilunsad nila ang programa upang mapawi ang takot nila sa mga sundalo.
Matatagpuan ang Sitio Piasusuan sa border ng Maragusan na 32 kilometro lamang ang layo mula sa Brgy. Poblacion ng Pantukan na dating kontrolado ng mga terorista.