Senado, may patuloy na paalala sa mga Pinoy sa Israel

Nagpaalala si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa mga Pinoy na nasa Israel.

Ayon kay Legarda, manatiling alerto at mapagbantay ang mga Pilipino sa Israel sa patuloy pa ring labanan doon sa pagitan ng Hamas group.

Pakiusap din ng senadora sa mga kapwa Pilipino roon na gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat para mapangalagaan ang mga sarili habang patuloy na gumagawa ng hakbang ang ating gobyerno.


Hinimok din nito ang mga Pilipino na patuloy na makipag-ugnayan sa ating embahada sa Israel at sumunod sa mga ibibigay na utos at payo.

Umapela naman si Legarda sa Department of Foreign Affairs (DFA) na maiging bantayan ang sitwasyon at sikaping maibigay ang lahat ng tulong na kinakailangan ng mga apektadong Pilipinong nagtatrabaho sa Israel pati na rin ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments