Katutubong Ayangan sa San Mariano, Isabela, Ipinamalas ang Kanilang Cultural Dance

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ng mga tribong ‘Ayangan’ mula sa Sitio Cinamnama sa barangay Del Pilar sa San Mariano, Isabela ang kanilang sayaw kasabay ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Month ngayong Oktubre.

Muling sinayaw ng katutubong Ayangan ang kanilang cultural dance na tinatawag na ‘Tajaw’ sa kabila ito na halos ang mga kabataan sa ngayon ay nawiwili sa pagsasayaw sa Tiktok.

Suot ng mga kabataang ‘Ayangan’ ang kanilang tradisyunal na kasuotan na tinatawag nilang ‘lo-ob’ kasama ang mga beads na kung tawagin naman ay ‘to-ong’.


Taas noong ipinakita ng mga nasabing katutubo ang kanilang sayaw sa isinagawang validation ng Search for Indigenous People Model 2021 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office No. 2.

Ayon naman sa Kapitan ng Brgy. Del Pilar na si Jose ‘Chinnam’ Wanol, kadalasang sinasayaw ang ‘Tajaw’ tuwing may mga okasyon gaya ng kasal, libing at pagtitipon-tipon.

Facebook Comments