Katutubong Badjao sa Santiago City, Naayudahan ng DSWD!

Cauayan City, Isabela- Binigyang prayoridad na mabigyan ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw ang ilang pamilya ng katutubong badjao sa Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Ayon kay Kagawad Joseph Cortez, umabot sa kabuaang 27 na pamilya ang naayudahan ng DSWD upang magamit ng mga ito sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Dagdag pa ng opisyal, bakas sa mga mukha ng mga katutubo ang saya dahil nabigyan din ang mga ito ng pansin ng gobyerno lalo ngayong may nararanasang krisis sa COVID-19.


Nagpapasalamat naman ang mga katutubo sa Lokal na Pamahalaan at tanggapan ng DSWD sa tulong pinansyal na kanilang natanggap.

Ang Santiago City ay hiwalay na siyudad sa Lalawigan ng Isabela at isa sa pinakamayamang Lungsod sa bansa na may maraming populasyon.

Facebook Comments