Katutubong Dumagat, Nakatanggap ng Tulong mula sa mga Sundalo ng 48IB!

Cauayan City, Isabela- Namahagi ang kasundaluhan ng 48th Infantry Battalion (Guardian) Philippine Army ng ilang pangunahing pagkain sa pitumpung kapus-palad na Dumagat sa Sitio Bato, Barangay Sapang Bulac, DRT, Bulacan.

Ito ay bilang pagtugon sa mga taong patuloy na naaapektuhan dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.

Tinanggap ng mga nasabing grupo ng Dumagat ang bigas, canned goods at instant noodles mula sa kontribusyon ng mga kasundaluhan.


Ayon sa pahayag ni Lt.Col. Valdez, ito ay bahagi ng kanilang isang araw na kontribusyon para sa kanilang allowance kung kaya’t naisipan nilang ibahagi rin ito sa mga hirap sa buhay gaya ng nasabing katutubo.

Samantala, igiinit naman ni Colonel Andrew Costelo, pinuno ng 703rd Brigade na noon pa man ay isa sa kanilang mga prayoridad ang mga katutubong grupo kahit na hindi pa nararanasan ang pandemya na dulot ng COVID-19.

Sinabi pa nito na ang unang kinakailangang tulunga sa mga ganitong sitwasyon ay ang mga katutubo na nasa malalayong lugar.

Facebook Comments