Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit 300 hygiene kits ang naipamahagi sa mga indigenous sectors sa lalawigan ng Isabela.
Pinangunahan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) FO2 katuwang ang National Community of Indigenous Peoples (NCIP) Community Service Centers at 95th Salaknib Infantry Battalion.
Umabot naman sa mahigit P1 milyon ang kabuuang halaga ng mga naipamahaging hygiene kits simula August 6 hanggang ngayong araw.
Ilan sa mga katutubong tumanggap ng nasabing tulong ay mula sa ilang lugar sa Isabela gaya sa bayan ng Angadanan, San Mariano, Tumauini, San Pablo at City of Ilagan.
Ito ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.
Facebook Comments