Clippers, buwena mano sa panalo sa semifinals matapos tambakan ang Nuggets

33

Tinambakan ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets sa NBA Western Conference semifinals series sa score na 120-97.

Nagpakawala ng 29 points si Kawhi Leonard upang maipanalo ang Clippers habang mayroong 19 points si Paul George at 18 puntos si Marcus Morris.

Nalimitahan lamang sa 15 points si Nikola Jokic para pangunahan ang Denvers.

Maging si Jamal Murray na may average na 31.6 points ay nagtapos lamang na may 12 points.

Facebook Comments