Cauayan City, Isabela- Laking tuwa ng isang katutubo sa natanggap nitong bagong bisikleta na may side car na ibinigay sa kanya ng kapulisan ng Ballesteros Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ. Marlou U. Del Castillo sa Cagayan sa ilalim ng programang BIKE o “Bisekleta Ihandog sa Kapatid na aEta”.
Dahil sa bagong bisikleta ni Gng. Maylin Corpuz, magiging magaan na ang kanyang paghahanap-buhay lalo pa at nilagyan rin ng samu’t saring gulay na maaari nitong ibenta na pandagdag sa kanyang kikitain.
Ayon sa hepe ng pulisya, nakita niya umano na pinapasan ni Maylin ang mga paninda nito at nagtutungo sa mga kabahayan kaya minabuti nitong pakyawin na upang hindi mahirapan.
Si Corpuz ay may tatlong anak habang nakapiit sa bilangguan ang kanyang asawa.
Matatandaan noong Pebrero 8, 2022, pinatuloy sa himpilan ng pulisya ang ginang at ang anak nito na kasama sa pagbebenta at dito ay pinakyaw ni Del Castillo ang paninda ng mga ito upang hindi na mahirapan pang magbenta.
Facebook Comments