Ipinasisiyasat ni Senador Risa Hontiveros sa Senado ang pagkakasangkot ng isang subcontractor na nakabase sa China sa ipinanukalang 174-ektarya ng reclamation project sa Dumaguete City.
Sa inihaing Senate Resolution No. 807 ay tinukoy ni Hontiveros na ang E.M. Cuerpo, bukod sa walang track record sa reclamation work, ay nakipag-deal sa Poly Changda Overseas Engineering Co. na kumpanyang pagmamay-ari ng estado ng China.
Hinala ni Hontiveros, ang E.M. Cuerpo ay isang dummy lamang ng kumpanyang pagmamay-ari ng estado ng China.
Bunsod nito ay sinabi ni Hontiveros na posibleng isang ‘maanomalyang kasunduan’ ang pinasok ng konseho ng lungsod kasama ang Filipino construction firm na E.M. Cuerpo.
Giit ni Hontiveros, kailangang aksyunan ito at silipin agad ng gobyerno, lalo pa’t may posibleng involvement ang isang Chinese state-owned company na agresibong kumakamkam sa ating mga karagatan sa West Philippine Sea.