Kauna-unahang Assembly Meeting ng mga SK Chairman sa Cauayan City, Isabela, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Pinulong ni Sk Federation President Charlene Quintos ang lahat ng mga SK Chairman dito sa Lungsod ng Cauayan sa kanilang kauna-unahang pagpupulong upang pag-usapan ang kanilang mga isasagawang programa ngayong darating na buwan ng Agosto.

Ayon kay SK Federation Pres. Quintos, layunin ng kanilang pagpupulong na pag-usapan ang nalalapit na selebrasyon ng mga kabataan nitong Agosto 12, 2018 dito sa Lungsod ng Cauayan.

Napag-usapan na rin umano nila ang kanilang isasagawang Disaster Risk Reduction Management Seminar upang madagdagan pa ng kaalaman ang mga kabataan sa paghahanda sa anumang darating na sakuna.


Nais rin ni SK Federation President Quintos na buwagin ang regionalism sa pagitan ng mga kabataan o kanya-kanyang samahan ng mga SK Chairman at SK Kagawad dito sa syudad ng Cauayan upang pagkaisahin ang mga ito sa nasabing Lungsod.

Samantala, nagsimula na umanong tumulong ang mga Sangguniang Kabataan sa paglilinis at pagbubukod sa mga basura bilang pakikiisa sa ipanapatupad na ordinansa ng Pamahalaang Panlungsod.

Facebook Comments