Ipinagmalaki ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) si Coast Guard Commander Jay Sustento ng PCG Aviation Force.
Si Sustento ang kauna-unahang babaeng rescue chopper pilot ng PCG.
2009, nagsanay siya para maging kauna-unahang babaeng rescue chopper pilot ng PCG gamit ang BO-105 (Bolkow) helicopter ng Coast Guard Aviation Force.
Isang taon bago dumating sa bansa ang dalawang H145 light twin-engine helicopter mula Germany, isa si Sustento sa anim na piloto na ipinadala sa Airbus Helicopters Training Academy para paghandaan ang pagmamaneobra dito.
Sa kasagsagan ng pandemya, kabahagi si Sustento sa mga misyon para masigurong mabilis na maihahatid ang kahun-kahong medical supplies sa mga frontline health personnel na naka-deploy sa malalayong probinsya sa bansa.
Nanguna rin siya sa pagsasagawa ng aerial surveillance at pagbibiyahe ng mga relief supplies sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Rolly at Ulysses noong nagdaang taon.