P3-M halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana nakumpiska ng QCPD sa isang buy-bust ops

Umaabot sa 25 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana o katumbas ng Php 3,000,000.00 ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ang suspek na si Joseph Ang, 22 anyos, residente ng Brgy. 172, Caloocan City, at nasa listahan ng Regional Priority Target Drug Personality.

Ayon kay PMaj. Wennie Ann Cale, Officer-in-Charge ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), nagpanggap na bibili ng marijuana sa halagang Php 50,000.00 ang isang pulis sa suspek sa kahabaan ng Elliptical Road, Brgy. Old Capitol Site, Quezon City.


Narekober sa suspek ang 25 kilogram ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng Php3,000,000.00 at buy-bust money.

Paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II ng R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments