KAUNA-UNAHANG BATCH NA MGA DRUG REFORMIST SA LUNGSOD NG SAN CARLOS, NAGTAPOS NA SA REHABILITASYON

Nagtapos na sa rehabilitasyon ang mga drug reformist o mga dating indibidwal na nasangkot sa ipinagbabawal na gamot o droga sa Balay Silangan Drug Reformation Center sa lungsod ng San Carlos.
Isang buwang sumailalim sa rehabilitasyon o iba’t ibang aktibidad na naangkop sa pagbabago at pangkabuhayan ang natutunan ngayon ng nasa labing-anim (16) na drug reformist kung saan sila ang unang grupo na sumailalim dito.
Ang mga reformist ay nagmula sa pitong Barangay sa lungsod kung saan nanatili sila sa loob isang buwan sa naturang pasilidad.

Sa isinagawang rehabilitasyon sa mga ito ay kanilang natalakay na nakasaad sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 2 series of 2018 na na napapatungkol sa community involvement sa pagreporma ng mga drug offender upang sila ay manumbalik sa komunidad bilang mabuting mamamayan.
Isinagawa naman ang isang seremonya o ang send-off sa mga ito sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho kasama ang mga opisyales ng LGU San Carlos City.
Ayon sa opisyal ng PDEA, ang pagkakaroon umano ng Balay Silangan Center ay mahalaga dahil upang matutukan ang mga drug offender sa pamamagitan ng rehab upang matalikuran masamang epekto ng ipinagbabawal na gawain.
Sa rehab na ito, ay mayroong tatlong hakbang o kailangang matutunan ng mga ito, gaya na lamang ng community-based rehabilitation, kabilang na rito ang counseling at consultation sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at moral recovery program na pinangunahan naman ng religious sector. |ifmnews
Facebook Comments