CAUAYAN CITY- Isinagawa ang kauna-unahang Cacao festival sa lalawigan ng Isabela na ginanap sa Lungsod ng Ilagan noong December 4-5, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Trade and Industry Region 2-Isabela sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture – Cagayan Valley Research Center, Provincial Government of Isabela, at Isabela Cacao Industry Development Council.
Tampok rito ang iba’t-ibang aktibidad katulad ng paggawad sa mga natatanging local farmers na mayroong pinakamagandang cacao beans, mga iba’t-ibang produkto na gawa sa cacao, at paggawa ng tsokolate gamit ang cacao.
Bukod dito, natalakay rin ang mga oportunidad upang tugunan ang tumataas na pangangailangan ng kalidad na cacao sa lokal at internasyonal market.