Kauna-unahang coloring-in-car – pinarerentahan sa U.K.

United Kingdom – Para hindi mainip sa mahabang biyahe… isang car rental firm sa U.K. ang nagpaparenta ngayon ng kotse na pwedeng gawing coloring book ng mga bata.

May disenyong bahay, bulaklak, hayop, puno’t halaman ang mga upuan at iba pang bahagi sa loob ng kotse.

Ayon sa Hertz Company – ito ay para maiwasan na ring mainis ang mga driver sa tuwing nagliligalig ang mga bata dahil sa tagal ng biyahe.


At syempre, good news din ito sa mga magulang dahil hindi na rin sila mahihirapang mag-asikaso sa kanilang mga chikiting habang buma-biyahe.

Facebook Comments