Pagsipot ni Calvin Abueva sa Gilas practice kagabi – magandang birthday gift para kay Coach Chot Reyes

FIBA – Magandang “advance birthday gift” para kay Coach Chot Reyes ang pagsipot ni Calvin Abueva sa practice ng Gilas Pilipinas kagabi.

Sabi ni Reyes, ito ang unang beses na nakumpleto sa practice ang 12-man line up ng national team.

Apat na practice sessions ang hindi napuntahan noon ng PBA star.


Kaya kahapon, nagbigay na ito ng ultimatum kay Abueva na kung hindi pa magpapakita ay sisibakin na sa koponan.

Sa August 8 na magbubukas ang FIBA Asia Cup na gaganapin sa Beirut, Lebanon at unang makakalaban ng Gilas ang China sa August 9.

Facebook Comments