KAUNA-UNAHANG COMMUNITY-BASED SKILLS TRAINING PROJECT PARA SA MGA BILANGGO SA PANGASINAN PROVINCIAL JAIL, PINASINAYAAN

Idinaos ng Pangasinan Public Employment Service Office (PESO) ang kauna-unahang Community-Based Skills Training Project Basic Electrical Troubleshooting and Basic Carpentry Repair para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Provincial Jail sa bayan ng Lingayen.
Sa kabuuang 246 na mga PDL ang sa loob ng Provincial Jail ay limampu ang lumahok sa isang araw na aktibidad kasabay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Pangasinan Provincial Jail.
Binigyan ang mga ito ng livelihood starter kits at ng Certificate of Completion.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Statistics Month kung saan isa itong espesyal na programa na pagsasanay at tulong pangkabuhayan na dinisenyo ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng PESO.
Hinimok ng Provincial Director – TESDA Pangasinan Rolando V. Dela Torre ang mga PDL na laging mamuhay ayon sa 4Cs gaya ng competence, confidence, character and Christ.
Maliban sa nasabing pagsasanay, sinabi pa ni ni Pangasinan Provincial Jail Chief Lovell U. Dalisay na nakahanay na ang iba’t ibang aktibidad gaya ng Familiarization of Firearms Proficiency, Drug Symposium at Prison Awareness Month at iba pa para sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments