Kauna-unahang COVID-19 vaccination hub sa BGC, binuksan na

44

Pormal nang binuksan ngayong sa publiko ang kakauna-unahang COVID-19 vaccination hub sa Bonifacio Global City (BGC) sa lungsod ng Taguig kung saan inilagay ito sa isa sa mga malalaking mall sa lungsod.

Ang nasabing vaccination hub at ikatlong mega vaccination hub at pang pito na vaccination site sa buong Taguig.


Pasado alas-9:00 ngayong umaga nang simulan ang programa ukol dito na pinasinayaan ng Inter-Agency Task Force (IATF) Code Team sa pangunguna ni Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Testing Czar Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano na layunin ng nasabing additional vaccination site ng lungsod ay upang mapalakas at mapabilis ang nagpapatuloy na nilang COVID-19 vaccination rollout.

Aniya ang nasabing bagong vaccination hub ng kanilang long-term partnership ng SM Aura at iba pang mga mall upang mas mapalawak at mas marami ang mabakunahan laban sa COVID-19 na mga residente ng lungsod.

Facebook Comments