Dalawa pang tauhan ng PNP, namatay sa COVID-19

21

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19

Batay sa ulat ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang mga nasawi ay isang 50-anyos na lalaking police non-commissioned officer mula sa PRO 4A na binawian ng buhay nitong April 13, 2021.


Habang ang isa pang nasawi ay 55 taong gulang na lalaking police commissioned officer mula sa Personnel Holding and Accounting Unit na nakatakdang magretiro na nasawi nitong April 15, 2021.

Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 49 na PNP personnel ang nasawi nang dahil sa virus.

Batay sa huling tala ng PNP Health Service, 18,073 na tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments