Kauna-unahang Esports fundraiser para sa LGBTQIA community, pangungunahan ng Actress at Beauty Queen na si Megan Young

Pangungunahan ng Actress at Beauty Queen na si Megan Young ang kauna-unahang Esports fundraiser para sa LGBTQIA community.

Nangangahulugan ang LGBTQIA ng; Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual.

Nabatid na matagal nang nagsusulong ang 30-year-old Miss World 2013 titleholder ng equal rights para sa mga LGBTQIA.


Ginagamit din ni Megan ang kanyang pagiging gamer para makalikom ng pondo sa kapakikinabangan ng LGBTQIA.

June 12 nang i-pinost ni megan sa instagram ang tungkol sa Esports fundraiser na ito, kung saan mapupunta ang kikitain sa HIV advocacy group na Love Yourself.

Facebook Comments