KAUNA-UNAHANG FACE-TO-FACE JOBS FAIR SA PANGASINAN SA BAGONG NORMAL, DINAGSA

36

LINGAYEN, PANGASINAN – Kasabay ng selebrasyon ng 88th foundation Anniversary ng Department of Labor and Employment, dinagsa ng mga aplikante ang kauna-unahang face-to-face jobs fair ng ahensya sa Pangasinan ngayong araw.

Tinatayang nasa 300 katao ang nakapag-apply sa iba’t-ibang kumpanya.

Nasa higit 2, 800 ang alok na trabaho sa naturang jobs fair na isinagawa sa Capitol Complex Compound PESO Office sa Lingayen.


Nasa 17 naman na aplikante ang hired on the spot at anim na rito ang malapit ng matanggap sa trabaho.

Samantala, istrikto namang ipinatupad ang health and safety protocols sa nasabing jobs fair. | ifmnews

Facebook Comments