Labis-labis ang pagpapasalamat ng mga residente mula sa mga Coastal Town ng Maguindanao matapos mapagkalooban ng Medical Services at Relief Assistance mula Provincial Government .
Sakay ng Floating Hospital, tinungo ng Makabagong Maguindanao Medical Team ang mga Baranggay ng Bonggo Island sa bayan ng Parang at Datu Blah Sinsuat nitong weekend.
Ang M/V PAX MERS ay isang Floating Hospital na may Medical Equipment at iba’t-ibang Medical Services. Naging instrumento rin ito para makapagpadala ng foodpacks ang Maguindanao Government sa coastal area.
Nagpapasalamat naman si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu matapos ipagamit ng Sultan Kudarat Province sa kanila ang serbisyo ng M/V PAX MERS . Napakalaking tulong aniya ito para maisigurong mabibigyan ng medical services at food items ang mga residente na nasa malayong bahagi ng probinsya kasabay ng patuloy na krisis na nararanasan ng marami dahil na rin sa Covid -19.
Matatandaang na noong nakaraang linggo, tumaob ang Bangka na lulan ng relief items ng PGO at nailagay rin pa sa alanganin ang mga PGO workers kabilang na si Maguindanao Board Member Mashur Biruar.
PGO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>