Isang potensyal na gamot laban sa dengue ang nakatakdang ilabas ng Department of Science and Technology (DOST) sa susunod na taon.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Peña na galing ang gamot sa tatlong uri ng halaman.
Kung sakali, ito ang kauna-unahang gamot laban sa dengue sa buong mundo.
“Ang good news, mayroon tayo sigurong lalabas next year na isang gamot sa dengue. Hindi lang health supplement kundi gamot,” ani de la Peña.
“Hindi pa namin mabanggit kung anong tatlong halaman yung pinanggalingan… pero kung saka-sakali, ‘yan daw ay magiging kauna-unahang gamot for dengue in the whole world,” dagdag niya.
Facebook Comments