PAGPAPAGANDA NG BRGY. CASALATAN, PATAPOS NA

CAUAYAN CITY- Isinasakatuparan ang pagpapaganda ng mga imprastraktura sa Brgy. Casalatan sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Committee on Infrastructure Arnold Carag, natapos na ang paglalagay ng pintura sa kanilang barangay hall kung saan mga organizational charts na lamang ang kulang para tuluyang matapos ito.

Aniya, buwan ng Pebrero ng simulan nila ang pagpapaganda sa kanilang barangay.


Bukod sa barangay hall, binabakuran at pinipinturahan na rin ang limang waiting shed sa kanilang barangay.

Samantala, umaasa si Kagawad Carag at mga kasamahan nyang barangay officials na magtuloy-tuloy ang mga proyekto tungo sa maayos at mapayapang Barangay Casalatan.

Facebook Comments