
Inilunsad ang kauna-unahang innovation hub sa Pangasinan sa isang unibersidad sa Dagupan bilang bahagi ng 2026 Regional Science, Technology and Innovation Week (RSTW), na layong palawakin ang access sa agham, teknolohiya at inobasyon sa lalawigan.
Ang DOST-UDD iHub, na matatagpuan sa Universidad de Dagupan sa Dagupan City, ay magsisilbing sentro para sa kolaborasyon, pagsasanay at paglinang ng mga makabagong ideya, partikular para sa mga kabataan at mga mag-aaral.
Layunin nitong palakasin ang kapasidad sa larangan ng Science, Technology and Innovation (STI) at suportahan ang pagbuo ng mga makabagong solusyon sa rehiyon.
Ayon sa mga tagapag-organisa, ang pagtatatag ng innovation hub ay hakbang upang mas mapalawak ang partisipasyon sa research, technology development at entrepreneurship sa Pangasinan.
Inaasahan ding magsisilbi itong plataporma para sa mga proyekto at programang magpapalakas sa lokal na innovation ecosystem at maghahanda sa mga kabataan para sa mga oportunidad sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










