Kauna-unahang kaso ng COVID-19, naitala sa Angono, Rizal

Umapila si Angono, Rizal Mayor Jeri Mae Calderon sa lahat ng kanyang mga kababayan na sumunod sa panawagan ng pamahalaan na manatili sa kanilang mga tahanan sa harap ng problema sa COVID-19.

Ang panawagan ni Calderon at bunsod ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 na naitala sa kanyang bayan.

Hindi naman tinukoy ng alkalde ang pagkakakilanlan ng COVID-19 positive at kung ano ang naging background nito bago pa nagpositibo sa nakakamatay na virus.


Ang tanging magagawa na lamang umano ay magtulungan at huwag maging pasaway sa harap ng problemang kinakaharap hindi lamang ng mga mamamayan ng Angono kundi ng buong daigdig.

Ipinaalala ni Calderon na kung meron mang lalabas ng kanilang bahay ay isa lamang at dapat ay merong quarantine pass para bumili ng gamot at pagkain.

Nakikiusap rin ang alkalde sa kanyang mga kababayan na ipagdasal ang mga COVID-19 positive maging mga naka-PUIs at PUMs at para matapos na ang problemang kinakaharap ng bansa.

Facebook Comments