Kauna-unahang kaso ng COVID-19, Naitala sa Bayan ng Aurora, Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kauna-unahang positibong kaso ng corona virus ang Bayan ng Aurora, Isabela matapos umuwi mula Pasay City ang isang 38-anyos na babae na kabilang sa mga Locally Stranded Indivduals (LSI) na umuwi sa ilalim ng ‘Balik-Probinsya Program’ ng pamahalaan.

Ayon sa pahayag ni Mayor Joseph Christian Uy, umuwi ang pasyente nito lamang Hunyo 2 na agad namang isinailalim sa 14 days quarantine sa inilaang pasilidad ng bayan.

Dagdag pa ng alkalde, June 16 ng natapos nito ang 14 days quarantine subalit minabuting isailalim pa rin sa rapid test at doon na nagpositibo ang pasyente hanggang nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na isailalim sa swab test ang pasyente at lumabas ang positibong resulta ngayong araw.


Inihayag pa nito na wala dapat ipag-alala ang publiko dahil idiniretso naman sa pasilidad ang pasyente.

Nakatakda namang idala sa Southern Isabela Medical Center ang pasyente parta sa atensyong medikal.

Ipinag-utos naman ng alkalde ang dobleng paghihigpit sa checkpoint lalo na sa mga umuuwi mula sa Metro Manila.

Facebook Comments