Kauna-unahang Kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Kalinga, Naitala

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng unang kaso ng corona virus disease (COVID-19) ang Lungsod ng Tabuk sa lalawigan ng Kalinga matapos na lumabas ang resulta mula sa Baguio General Hospital and Medical Center ngayong araw.

Batay pahayag ni Mayor Darwin Estrañero, sinabi nito na isang 30-anyos na lalaki ang dumating sa siyudad nito lamang Sabado, Hunyo 6, mula sa kalakhang Maynila matapos mapasailalim sa programang‘Oplan Padatong’.

Dagdag pa ng alkalde, asymptomatic o walang nakitang sintomas ng nasabing virus ang pasyente na ngayon ay nasa isolation unit ng lungsod.


Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing sa 15 sakay na nakasabayan ng nasabing pasyente.

Ito ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Hinimok naman ang publiko na manatiling kalmado at sundin ang health protocols para sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments