Kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Tokyo Olympic Village, naitala!

Anim na araw bago ang Tokyo Olympics opening ceremony, kinumpirma ng mga organizer ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Tokyo Olympics Village kung saan titirahan ng mga atleta.

Hindi naman kinilala ang nagpositibo sa sakit matapos sumailalim sa screening test pero ito raw ay isang dayuhan.

Inilagay na rin ito sa isang hotel para sumailalim sa quarantine.


Sa ngayon, mas hinigpitan pa ang mga patakaran para sa mga delegado ng Tokyo Olympics na kung saan ay sasailalim araw-araw sa COVID-19 tests.

Kabilang din na dapat 48 oras bago dumating sa Japan ang mga atleta ay kailangan may negative RT-PCR test result.

Facebook Comments