Higit 70 na mga bata, nasawi sa kudeta sa Myanmar

Aabot na sa 75 na mga batang nasawi habang nasa 1,000 iba pa ang iligal na ikinulong mula ng magkaroon ng kudeta sa Myanmar.

Base sa inilabas na report ng United Nations child rights committee, dahil sa military coup ay nadadamay na ang mga menor de edad at lalong nanganganib ang buhay ng mas maraming indibidwal sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, kinondena ng UN ang pagpatay sa mga bata na karamihan ay umano’y naganap pa sa loob ng tahanan ng mga ito.


Facebook Comments