Cauayan City, Isabela- Matagumpay na idinaos sa bayan ng Angadanan ang kauna-unahang “Kabataan Kontra Droga at Terorismo” Summit na may temang ” Kilos Kabataan ng Angadanan, Terorismo at Illegal na Droga ay Wakasan”.
Isinagawa ito ng dalawang araw na inumpisahan noong Hulyo 7, 2021 at nagtapos sa araw ng Huwebes, Hulyo 8, 2021 sa pangunguna ni Mayor Joelle Mathea Segarra Panganiban katuwang ang 205th Manuever Coy, Macalauat Patrol Base at Angadanan Police Station sa pamumuno ni PMaj Ardee L Tion kasama ang Local Youth Development Office at SK Federation.
Ang KKDAT Summit ay dinaluhan ng 61 KKDAT President mula sa iba’t-ibang barangay ng Angadanan kung saan nagkaroon ng pagkakataong mas makilala pa ang kanilang sarili at kakayahan sa pamamagitan ng Values Formation Activity, Slogan at Canvas Painting Contest.
Nagkaroon din ng KKDAT Orientation at Election of New Set of Officers na hinati sa Jr KKDAT Officers at Sr KKDAT Officers.
Sa ikalawang araw ng Summit, nagkaroon din ng Lingkod Bayanihan Tree Planting Activity kasama ang mga Barangay Officials at ang KKDAT Ambassadress at Local Youth Development Officer.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kabataan na mas maintindihan ang adbokasiya ng pamahalaan na wakasan ang terorismo sa pamamagitan ng mga tagapagsalita mula sa Philippine Army at National Intelligence Coordinating Agency at maging sa kampanya laban sa ilegal na droga ng PDEA Isabela Provincial Office.
Pinarangalan naman ng Municipal Anti-Drug Abuse Council, Municipal Peace and Order Council ng Angadanan katuwang ang 205th Maneuver Coy at Angadanan Police Station ang mga KKDAT Leaders at KKDAT Chapter na nagbigay ng natatanging kontribusyon para sa bayan ng Angadanan.