Kauna-unahang klase ng drivers’ academy ng LTFRB, nagsimula na ngayong araw

Manila, Philippines – Alas siete treinta ng umaga, pormal ng nagsimula ang kauna-unahang drivers academy ng LTFRB.

Dahil dito mapapaalalahanan ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan sa tamang pagmamaneho at tamang pag-trato sa mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, panahon na para i-professionalize ang transport industry.


Aniya kapag ang isang driver ay nakapasa sa pagsusulit mas tataas ang moral nito, dahil magsisilbing partner ng LTFRB ang mga kilalang unibersidad sa bansa.

Mabibigyan din sila ng I.D at certificate na magiging pamantayan kung sila ba ay matinong driver.

Paliwanag ni Lizada, kadalasan basta nalang lilipat sa ibang operator ang isang tsuper kapag nasangkot sa aksidente dahil sa hindi pagsunod sa batas ng trapiko at kaskasero.

Maitatala din sa kanilang data base ang performance ng mga driver kayat makakapili ng matinong driver ang mga operator.

Magreresulta din ito, sa pag luwag ng trapiko dahil marunong ng sumusunod sa batas trapiko ang mga driver at hindi na rin malalagay sa peligro ang buhay ng mga pasahero, kasabayang sasakyan pati na rin ng mga bystander.

Facebook Comments