KAUNA-UNAHANG LGU EMPLOYEES UNION SA MANAOAG, ITINATAG

Pormal nang itinatag ang kauna-unahang LGU Employees Union sa bayan ng Manaoag kahapon, Marso 23, 2026.

Ayon sa ulat, ang unyon ang magsisilbing opisyal na samahan ng lahat ng rank-and-file personnel sa Local Government Unit (LGU) Manaoag.

Ito ay alinsunod sa Article III, Section 8 ng 1987 Philippine Constitution na kumikilala sa karapatan ng mga manggagawa na bumuo ng unyon o samahan.

Kaugnay din ito ng layunin ng Article XIII na itaguyod ang kapakanan at dignidad ng mga manggagawa.

Samantala, nanumpa na rin sa tungkulin ang mga opisyal sa ilalim ng samahan.

Noong nakaraang linggo, nauna nang isinagawa ang halalan kung saan itinalaga ang Interim Officers na mangunguna sa unyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments