Magsisilbing host ng kauna-unahang Longboard International Qualifying Event ang San Juan, La Union, ngayong Enero, ayon sa anunsyo ng World Surf League.
Sa kompetisyon ngayong taon, nakatakdang palawigin ang oportunidad sa mga surfers, anuman ang kasarian, sa pagbubukas ng wildcard spots upang makakuha ng pwesto sa Longboard Tour.
Kaugnay nito, puspusan ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng San Juan at iba pang ahensya para sa pinal na safety at security protocol, world-class operational logistics at estratehiya upang maprotektahan ang coastline at ng mga lalahok sa kasagsagan ng kaganapan.
Dahil dito, muling iginiit ng tanggapan ang kakayahan na maging host ng mga international surfing events at itaguyod ang titulong “Surfing Capital of the North. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










