KAUNA-UNAHANG MALL-BASED VACCINATION SITE PARA SA MGA BATANG EDAD 5-11 SA LA UNION, BINUKSAN NA

Opisyal nang binuksan ang kauna-unahang mall-based vaccination site para sa mga batang edad 5-11 kontra COVID- 19 sa lalawigan ng La Union.
Dumagsa ang aabot sa 170 na bata kasama ang kanilang mga magulang sa Robinson’s Place San Fernando City.
Nilagyan ng lobong dekorasyon ang vaccinatiom site at mayroong ding mascot upang mahikayat ang mga batang magpabakuna.

Binigyan din ng freebies ang mga batang naturukan ng COVID-19 Vaccine.
Bago pa man bakunahan ang mga ito nauna nang inirehistro ang mga ito online sa vaccines.launion.gov.ph.
Sa kasalukuyan, nasa higit 5,000 na bata na sa probinsiya ang nabakunahan kontra COVID-19.
Inaasahan naman na mas tataas pa ang bilang ng mga ito ngayong nasa mas maluwag na Alert Level System ang La Union. | ifmnews
Facebook Comments