Binuksan na ngayon sa publiko ang kauna-unahang metro rail line sa Pakistan sa siyudad ng Lahore.
Tinatayang aabot sa 27 kilometro ang haba ng bagong metro line at mayroon itong higit dalawang dosenang istasyon.
Dahil dito, nasa 45 minuto na lamang ang magiging biyahe sa siyudad mula sa dating dalawang oras.
Tiniyak naman ni Punjab State’s Chief Minister Usman Buzdar na ang nasabing proyekto ay magbibigay ng ‘world-class facilities’ sa mamamayan ng Lahore sa Pakistan.
Facebook Comments