KAUNA-UNAHANG MINI BUS SA ANGADANAN, NAIUWI NA

CAUAYAN CITY- Napasakamay na ang kauna-unahang mini bus sa Bayan ng Angadanan sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay maaaring gamitin sa mga official activities sa ibang lugar ng mga estudyante, eskwelahan, Lokal na Pamahalaan ng Angadanan, at mga organisasyon.

Nagmula naman sa LGU Supplemental Budget 2023 (Ordinance No. 2023-357) ng Local Government Unit of Angadanan ang pondo para sa pagbili ng nasabing mini bus.


Sa ngayon, inaayos ang ipapatupad na ordinansa hinggil sa tamang paggamit ng mini bus upang masigurong magagamit ito ng tama at maayos.

Facebook Comments