Isang MOBILE ROBOTICS COMPETITION ang ginanap sa isang kilalang unibersidad dito sa lungsod ng Dagupan. Nilahukan ito ng mga labindalawang (12) paaralan mula sa ating ibat ibang bayan.
Layon ng kompetisyon na mabigyan ng plataporma ang mga batang mahilig sa robotic kung saan maipapakita, nahuhubog nila ang kanilang talino, kritikal na pag-iisip, at mga kakayahan sa paglutas ng problema.
Nais din nitong maging inspirasyon sa lahat ng mga kalahok na patuloy na tuklasin ang robotics bilang parte ng modern technology.
Samantala naipamalas ng San Jacinto National High School ang kanilang galing bilang Kampeon, sinundan ng Bonuan Buquig National High School bilang 1st Runner-up at Judge Jose de Venecia Sr. Technical-Vocational Secondary School bilang 2nd Runner-up. |ifmnews
Facebook Comments