Kauna-unahang night flight sa Roxas City Airport, binuksan na ng CAAP

Roxas City, Philippines – Kinumpirma Mrs. Cynthia Aspera, manager ng Roxas City Airport sa ilalim ng pangangasiwa ng CAAP na nagkaroon na ng bagong night flight na Manila – Roxas vice versa.

Aniya magiging madali na para sa mga taga lungsod ng Roxas at lalawigan ng Capiz na lumipad patungong Metro Manila gabi-gabi na hindi na pupunta pa sa ibang airport kagaya ng Kalibo at Iloilo.

Sa flight na ito, dumadating sa Roxas City ang eroplano ng Cebu Pacific mula sa NAIA 8:20 PM at umaalis pabalik ng Manila, 8:40 PM.


Sinabi din ni Aspera na isa muna itong dry run hanggang buwan ng Oktubre at kung magiging matagumpay ang operasyon, tuloytuloy na ang night flight sa Roxas City Airport.
Nananawagan naman ito sa mga pasahero na suportahan ang bagong flight dahil malaking tulong ito sa turismo ng Roxas City at lalawigan ng Capiz.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments