Mark Magsayo at Daniel Diaz, pasok sa featherweight limit para sa “Pinoy Pride 41: New Generation Warriors”

277

Sports – Pasado ang dalawang kalahok na si Mark Magsayo at ang Nicarguan na si Daniel Diaz sa featherweight limit para sa 12-round showdown na may headline na “Pinoy Pride 41: New Generation Warriors” na gaganapin sa Mabolo City Cebu sa Sabado.
Ayon sa kaniyang coach na si Edito Villamor ito ang unang sabak ni Magsayo sa gaganaping main-event kaya naman todo ensayo ito, aniya nandiyan ang pressure pero kailangan pa rin ng focus at pasensya para maging maganda ang kalabasan ng kaniyang laban.
Dagdag pa niya, isa ito sa pinaka mahirap na division na naka-ayon sa kalidad ng magkalaban. Hindi raw basta-basta ang division na ito kaya kailangan ng mahabang pasensya.
Noong Abril lamang ng talunin ni magsayo ang isang Tanzanian boxer na si Issa Nampepeche sa isang round lang at ito ang pang labing-anim na panalo ng boholanos sa kaniyang mga laban.
Samantala, tumaas naman ang bilang ng manunuod ng Pacquiao-Horn fight ayon sa balita ng Entertainment and Sports Programming Network (ESPN).
Ang nangunguna sa listahan noon na MLS soccer game na may rating na 0.2 at may 86,000 na audience edad 18-34 , ang ratings ng Pacquiao-Horn fight ay pumalo sa markang 1.9 at tumaas pa ang audience na may 879,000 edad 18-34.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments