Kauna-unahang OFW hospital, itatayo sa Pampanga

Itatayo sa San Fernando, Pampanga ang kauna-unahang ospital para sa mga OFW na magbibigay ng mga libreng medical services sa mga OFW at kanilang pamilya.

Bukod dito magbibigay din ang ospital ng mga kinakailangang serbisyong medikal katulad ng laboratory exams, medical certificates at iba pang requirements para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa.

Ang nasabing government facility na magsilbi sa mga OFW ay itatayo sa dalawang ektaryang lote sa Provincial Engineering Office Compound sa Barangay Sindalan.


Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, magkakaroon na ng 100 bed capacity ang pasilidad sa pagbubukas nito sa 2020.

Aabot sa 400 milyong piso ang halaga ng pagpapagawa dito na sasagutin ng isa sa Philippines top billionaire na si Enrique Razon Jr. habang 200 milyong piso naman ang magmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na siyang gagamitin para sa pagbili ng mga gamit sa ospital.

Ang nasabing kauna-unahang OFW hospital ay magsisilbing pilot project mula sa Luzon dahil mayroon na ding mga naka plano para sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments