Kauna-unahang Online Birth Registration Portal, ilulunsad ng Quezon City

Ilulunsad na ng Quezon City Government na ang kauna-unahang Online Birth Registration Portal sa bansa ngayong taon.

Ang proyekto ay bahagi ng digitalization program ng serbisyong pampubliko ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, magiging mas maginhawa at mahusay na ang proseso ng pagpaparehistro ng kapanganakan dahil maipapadala na ang mga requirements sa pamamagitan ng Online Portal.


Paliwanag ng alkalde na malaki rin ang maitutulong nito sa pagtugon sa problema sa mga late at unregistered birth registration.

Facebook Comments