MANILA – Kumpirmadong dadalo sa g7 summit si US President Donald Trump sa Taormina, Sicily sa Italy sa buwan ng Mayo.Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Trump sa Italy bilang pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa.Ayon sa white house – ang pagdalo ni Trump sa g7 ay kasunod ng pag-uusap nila ni Italian Prime Minister Paolo Gentiloni.Sa naturang pag-uusap, sinabi ng White House na iginiit ng pangulo ng Amerika ang commitment ng Estados Unidos sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at binigyang diin ang kahalagahan ng lahat ng nato allies sa pakikibahagi sa monetary burden sa defense spending.
Facebook Comments