KAUNA UNAHANG PANGASINAN REPRESENTATIVE SA GIANT MANDALA MADNESS, ATING ALAMIN!

Ipinagmamalaking ibinida ni Renato Boquil ang kanyang biggest crochet project ngayong taon na inumpisahan niyang gawin noong ika-4 ng Pebrero at kanyang natapos ang kabuuan, nito lamang ika-14 ng Abril 2023.
Ang nasabing crochet na may bigat na 2 kilograms of yarn, 5 mm hook used at may haba ng 6’6 o 78 inches in diameter ay gawa sa 5-ply milk cotton ,6-ply combed cotton, Japan and UK yarns at indophil soft yarns.
Ayon kay Renato, “napawi ang kanyang pagod at haba ng pasensya sa paggawa nito, siya ay overwhelmed kahit di niya natapos ang ibang rounds at hindi umabot sa inaasam na 120 inches dahil sa kakulangan ng oras ay laking pasasalamat parin ito sapagkat nakagawa pa rin siya”.

Samantala, para sa mga Idol nating gustong masaksihan ang Giant Mandala Madness, ito’y ididisplay sa IPATAWIR FEST, kaalinsabay sa selebrasyon ng Pista’y Dayat 2023 together with Yarn Bomb activity.
Kaya naman sa darating na April 27 to 29;9 a.m sa Maramba Boulevard, Lingayen, Pangasinan. Kita kits mga Idol! |ifmnews
Facebook Comments