Kauna-unahang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa Cagayan Valley, Discharged na

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na nakauwi na ang pasyenteng kauna-unahang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Ayon sa pahayag ni Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, kanyang nilinaw na hindi agad pinauwi sa kanilang tahanan ang nasabing pasyente dahil kinakailangan na sumailalim pa rin sa ilang monitoring ng mga doktor.

Nabatid na may sakit sa puso, peptic ulcer at nakaranas ng pagbaba ng hemoglobin ang nasabing pasyente na si PH275 na isang kawani ng Bureau of Fire Protection na nakadestino sa Sta. Mesa, Maynila.


Dagdag pa ng opisyal na kinakailangan pa rin na sumailalim sa 21 days strict home quarantine ang nasabing pasyente at pinapayuhan pa rin huwag makihalubilo sa kanyang pamilya.

Sa ngayon ay nasa limang (5) covid-19 patient ang nananatili sa ospital bagama’t stable ang kanilang kalagayan at hinihintay na lamang ang resulta ng kanilang ikalawang swab test habang nakapagtala ng tatlong (3) Patient under investigation ang nasabing pagamutan.

Facebook Comments