KAUNA-UNAHANG PHILEXPORT CONCEPT STORE SA REGION 1 PINASINAYAAN

Pormal na binuksan nitong miyerkules June 28 ang Philexport First Concept Store in Region 1 sa SM City Urdaneta Central. Dito inilagak ng iba’t ibang probinsya sa rehiyon uno ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto. Sa panayam kay Mall Manager Abraham Malicdem, sinabi nitong suportado ng kanilang kompanya ang mga ganitong programa na nagbibigay halaga sa local products at Small Medium Enterprises na siyang nakakatulong umano sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ilan sa mga produktong naka display sa nasabing grand opening ng philexport concept store ay mga locally made chips, wine, gourmet, at mga handicrafts. Present din sa nasabing pagtitipon ang nasa humigit kumulang na 20 na mga SMEs na pinangunahan ng presidente ng Manufacturers and Exporters of Region 1 na si Jocelyn Perez, kung saan ibinahagi ang kwento ng kanilang pag-uumpisa at tagumpay.
Dumalo din ang mga kinatawan ng DOST Region 1, lokal na gobyerno ng Pangasinan, Provincial Tourism Office, at DTI Pangasinan na nagbigay ng kanikanilang mensahe para sa lahat ng participants. Ang Philexport 1st Concept Store in Region 1 ay magkakaroon ng permanenteng space sa SM City Urdaneta sa pagpapatuloy ng exhibit.
Facebook Comments