Kauna-unahang Philippine Tourism Jobs Fair, aarangkada na bukas

Aarangkada na bukas ang kauna-unahang Philipine Tourism Jobs Fair ng Department of Tourism at ng Department of Labor and Employment.

Mahigit 8,200 na trabaho ang iaalok sa Trabaho, Turismo, Asenso! Job Fair na flagship employment program ng dalawang ahensya.

Ayon kay Tourism Asec. Maria Rica Bueno, aabot sa 157 kompanya ang lalahok sa unang bugso ng job expo.


Layon aniya nito na mabigyan ng trabaho ang mga fresh graduate gayundin ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“Yung mga employers natin, meron po sa accommodation sectors, sa mga hotel, mga resorts, restaurants, mga travel and tour agencies, meron din pong mga kompanya na nag-o-organize ng mga event, conferences at meron din po sa transport,” ani Bueno sa interview ng RMN DZXL 558.

Samantala, ngayong araw ay bukas na ang pre-registration para sa mga lalahok sa Philippine Tourism Job Fair.

Isasagawa ang job fair sa Metro Manila mula September 22 hanggang 24 sa SMX Convention Center sa Pasay City habang sa September 22 to 23 naman sa SM City Cebu at Abreeza Mall sa Davao City.

Facebook Comments