Kauna-unahang pictorial ni Anne Curtis makalipas ang pitong buwan, kinagiliwan ng mga netizens

65

Kinagiliwan ng mga netizens ang kauna-unahang pictorial ni Anne Curtis makalipas ang pitong buwan, matapos niyang ipanganak ang kaniyang baby girl na si Baby Dahlia.

Kitang-kita sa larawan na blooming pa rin si Anne at nakakapag-adjust na rin bilang isang first-time mom na nagpa-inggit sa mga netizen.


Kasalukuyang nasa Melbourne, Australia ang 35-anyos na aktres kung saan doon nila winelcome ng kaniyang asawang si Erwan Heussaff ang kanilang baby angel.

Ikinasal si Anne sa half-filipino/half-french na si Erwan noong November 12, 2017 sa Queenstown, New Zealand.

Facebook Comments