KAUNA UNAHANG PINAY RACER SA F1 ACADEMY, NASUNGKIT ANG PAGKAPANALO, KILALANIN

Halo halong tuwa at emosyon ang naramdaman ng isang Pinay racer na si Bianca Bustamante matapos masungkit ang pagkapanalo para sa kanyang professional career sa ikalawang Formula 1 Academy Race ngayong taon na naganap sa bansang Spain. Siya ang kauna unahang Pinay na nanalo sa nasabing karera.
SI Bianca ay isang 18 years old na dalagita. Tubong Laguna ang kanyang ina at kanyang ama naman ay tubong Mabini, Pangasinan. Ngayon ay nakatira sa bansang Italy. Patuloy pa rin ang kaniyang laban at karera sa iba’t ibang bansa.
Ayon sakanya, kahit hindi man gaano ka sikat ang racing sports sa Pinas, proud pa rin siya sa kanyang sarili dahil siya ang kauna unahang Pinay racer na nakapasok sa nasabing kompetisyon. Samantala, ang susunod niyang karera ay sa nalalapit na May 19 na gaganapin sa Barcelona Spain. |ifmnews

Facebook Comments